Hindi lahat ng nakapagtapos ay nagtagumpay at hindi lahat ng nagtagumpay ay nakapagtapos. Importante sa atin ang makapagtapos sa pag aaral ngunit hindi lahat ay may kakayahan lalong lalo na sa pinansyal na pangangailangan ng bawat estudyante. Mayron namang iba na may pera na pero wala naman sa bokabularyo nila ang mag aral. Kung mapapansin niyo, karamihan sa mga mag aaral ay salat sa salapi, mga mahihirap. Bakit? Dahil yun lamang ang kanilang mapanghahawakang yaman at magbibigay sa kanila ng pag asenso sa buhay Subalit hindi naman lahat ng mahihirap ay yumaman dahil nakatapos sa kanilang pag aaral,ang iba nama'y sinuswerte,pinapalad. May mga yumaman dahil nanalo sa Lotto, may mga yumaman dahil naging tagapagmana at may mga yumaman din sa negosyo na ang puhunan ay sipag at tiyaga, kanilang dugo't pawis. Sa ngayon, karamihan sa atin ay tinatamad tapusin ang karera sa buhay sa dahilan na nakapagtapos ka nga may trabaho ka nga ngunit hindi iyon ang trabahong iyong napag arala...
Comments
Post a Comment