Hindi lahat ng nakapagtapos ay nagtagumpay at hindi lahat ng nagtagumpay ay nakapagtapos
Hindi lahat ng nakapagtapos ay nagtagumpay at hindi lahat ng nagtagumpay ay nakapagtapos. Importante sa atin ang makapagtapos sa pag aaral ngunit hindi lahat ay may kakayahan lalong lalo na sa pinansyal na pangangailangan ng bawat estudyante. Mayron namang iba na may pera na pero wala naman sa bokabularyo nila ang mag aral. Kung mapapansin niyo, karamihan sa mga mag aaral ay salat sa salapi, mga mahihirap. Bakit? Dahil yun lamang ang kanilang mapanghahawakang yaman at magbibigay sa kanila ng pag asenso sa buhay Subalit hindi naman lahat ng mahihirap ay yumaman dahil nakatapos sa kanilang pag aaral,ang iba nama'y sinuswerte,pinapalad. May mga yumaman dahil nanalo sa Lotto, may mga yumaman dahil naging tagapagmana at may mga yumaman din sa negosyo na ang puhunan ay sipag at tiyaga, kanilang dugo't pawis.
Sa ngayon, karamihan sa atin ay tinatamad tapusin ang karera sa buhay sa dahilan na nakapagtapos ka nga may trabaho ka nga ngunit hindi iyon ang trabahong iyong napag aralan at binuno ng ilang taon at pinag sunugan mo ng kilay. Sa panahon ngayon , pahirap ng pahirap na makahanap ng trabaho nakapagtapos man o hindi. Dahilan na din siguro sa ekonomiya ng ating bansa. Katwiran ng iba , bakit nga magtatapos ka pa kung pwede ka naman ng mag trabaho? Bakit nga tatapusin mo pa kung kumikita kana? Hindi natin hawak ang panahon at kapalaran ng bawat isa sa atin. Nakapagtapos man o hindi huwag na huwag tayong panghihinaan ng loob at pag asa na umangat sa buhay. Sabi nga ng iba, "Aanhin mo ang yaman kung maramot ka naman" aanhin mo ang diploma kung hindi mo rin naman magiging trabho ang tinapos mo" aanhin mo ang pag aaral ng ilang taon kung kumikita kana".
Umiikot ang Mundo, hindi nasusukat ang pagkatao at hindi binabase ang mentalidad sa usaping nakatapos ka o hindi. Diskarte,sipag at tiyaga lang yan.
Maging proud po tayo sa ating mga sarili, sa ating mga talento, sa ating pagkatao. Nakayari man o hindi. Sipag at tiyaga lang maaari tayong magtagumpay at makamit ang ating mga pangarap sa buhay...
yeah right
ReplyDelete